November 1,2014
Entry #3
Ang unang pagsabak ko sapag babasa ng mainstream novel o yung mga libro na sikat ay nakilala ko agad ang novel na ito. Simula nun ng pag cocollect ko ng mga libro at nagandahan ako sa cover nito. Nalaman ko rin na pumunta yung auhtor nito dito sa Pilipinas that time kaya na curious ako. Nasa gitna ako nun ng pag mamarathon ng Mortal Instrument ng binili ko iyong libro.
Summer classes namin nun at nag karoon ako ng bakanteng tatlong araw para sumunod sa mga kapatid kong nagpunta sa Manila. Nanood din kami ng concert ng 2ne1 nun kaya puspos ako sa pag iipon dahil gusto ko talagang bumili ng mga goods sa concert pero di inabot ang ipon ko dahil dollars yung mga items sa concert kaya napag desisyonan ko na lang na ipambil iyon ng libro.
Bago pa man magsimula ang concert ay nililibot namin ang MOA nun at nadaanan namin ang National Bookstore at plinano ko na talagang mamili ng Shatter Me nun pero naintimidate ako sa dami ng nakapila sa cashier kaya sabi ko bukas na lang.
So dumating ang bukas, last day namin sa Manila at sa Robinson's na lang kami nagpalipas ng oras bago ang flight. Dahil huling araw namin na iyon kinuha ko na rin ang chance na bumili ng libro. As in excited na talaga ako nun na mahawakan ang ang beautiful 'eye' cover ng Shatter Me. Under renovation ang NBS saRoninson's nun kayang parang hindi maayos yung pag kakaarrange ng mga libro. Dahil dun hindi na ako sinipagang hanapin anng mga librong iyon at kumuha na lang ng mga librong maganda sa mata (talk about judging the book by it's cover).
Dismayado talaga ako nun kasi yun lang talaga yung books na dapat kong bilhin pero napasubo ako sa iba. Nasa NAIA na kami non na bumili muna ng doughnut yung kapatid ko ng paglingon ko ay kumaway saakin ang NBS. Nag ningning ang mga mata ko at literally no joke napanganga ako.
Napasugod ako bigla sa loob ng NBS at nagbunyi ang aking puso ng nakita kong kumurap ang mata ni Juliette saakin. Sa NBS NAIA 3 ko lang palamakikita ang pinunta ko sa Manila (though yung concert talaga main reason ko). So yun kinuha ko na silang apat, yung tatlong books pati yung novella without knowing na novella yun.
Binuksan ko ang wallet ko at nakitang 500 na lang pera ko. Nanghiram ako sa kapatid ko pero inayawan niya ako at sinuggest na gamitin ko na lang daw yung ATM card ko. First time, eh sa probinsyana ginamit ko na nga yung ATM kaya napasaakin ang inaasam ko.
So buwanan ang tinagal ng copy ko ng Shatter Me kasi parang wala pa akong ganang basahin ito.
Kinahiligan ko talaga ang mag window shopping kaya pati sa ebay napagpag ako eh sa di ko naman na yun ginagamit. Nakita ko angisang shop na nag bebenta ng deal na 800 pesos for both Shatter Me (PB) and Unravel Me (HB) SIGNED. Sa kagagahan ko binili ko, sayang naman na din.
So yun,dumating ang libro ko. Napag tanto ko, dalawa ang copies ko ng Shatter Me and Unravel Me. Ang ginawa ko, binenta ko. So pagkabenta ko yun happy na.
Mahaba na msyado, tumuloy na tayo sa kwento, dadagdagan ko na lang kwento ko sa experience ko later ;)
So ang story ay nag sisimula sa isang babaeng inisolate sa iba kasi may power siya na pag hawakan ka niya ay mamatay ko. Siya si Juliette Ferrars. Isa siyang 16 year old na babae na inilayo sa pamilya (tinakwil siya,sawi!) at inilagay sa isang asylum para obserbahan.
Sa setting nila, yung mundo natin ay malapit ng masira. Tapos may mga grupo nalang ng mga tao na namamahala sa buong katauhan. Parang under martial law na sila kung saan yung lahat ng tao ay nag hihirap at may mga piling heneral na nag sisilbing leader ng mga lugar.
Si Juliette bilang superhuman, parang naging threat siya sa gobyerno so yun hinawakan sya ng mga ito at balak na gawing weapon. Si Juliette hindi niya alam kung nababaliw na ba siya o hindi. Lahat lahat ng mga hinaing niya ay nakalagay sa isang maliit na notebook. Wala siyang nakakausap dahil nga mamamatay ang humahawak sa kanya.
Merong dalawang lalake sa buhay ni Juliette. Si Warner (ehe!) at Adam (grumpy).
Si Adam ang unang naging kaibigan ni Juliette. Isa siyang sundalo na nakasama ni Juliette sa kanyang selda ng ilang araw. Jan na lamang kay Adam ayaw kong maging spoiler.
Si Warner, don't let me start with Warner. Si Warner ay isang ego-centric, control freak at creepy sector leader na nagbigay kulay sa buhay ni Juliette. At tulad ng kay Adam, jan na lamang. Mas magandang iyan na lamang ang alamniyo tungkol sa mga mahal ko.Haaha
Ngayon yung review ko. Ito ang unang dystopian series na nabasa ko. Opo, hindi ko po nabasa ang Hunger Games at Divergent kasi napuno na ako ng spoilers kaya what's the point. So yun nga ang una kong dystopian at ang unang mag papainlove saakin sa dystopian novels.
Actually di ko napansin na talaga ang setting kasi focus ako sa romance ng story. Malakas maka romance to. So kagaya ng mga books na na gugustuhan ko, ang nagustuhan ko talaga dito ay iyong iba't iabg feels na nabibigay niya. Iba kasi yung pag susulat ni Tahereh, too many figures of speech na gustong gusto ko.
Gusto ko rin yung mga hidden and unwanted words to say ni Juliette na
hindi niya sinasabi iyong mga true feelings niya nasa isip na nya lang at naka underline.Basta yung ganyn. Si Juliette gusto ko yung naging pag babago niya, before kasi napaka weak niya at medyo ang hirap sakayan kasi iba yung iniisip niya. Masyado kasi siyang enclose sa idea na nakakasakit siya ng tao kaya dapat siyang lumayo sa mga ito at dapat siyang maging mahina.
Madami talagang magagandang characters dito. Si Kenji (oh my sexy Japaneses Kenji), si Castle (cried a lot because of him and Kenji), James (Adam's brother), yung mga iba pang superhuman like Brandon and nakalimutan ko na iyong iba basta sila, si Delileu na mashashock or hindi kung sino siya at ang walang ka kwenta kwentang hampas lupa na gusto kong sabuyan ng acido sa mukhang Tatay ni Warner.
Yun,madaming makakapag bigay ng feels sayo hindi lamang iyong mga main characters kaya solid siya.
Ang ayaw ko lang talaga ay iyong huli. Walang namatay sa huli na bida okay don't worry, pero napanganga na lang ako sa huli at gusto kong humingin ng plea kay Tahereh na dagdagan pa yung kwento kahit short novella lang kasi....urgh....urgh yung ending.
Pero all in all nagustuhan ko siya at gagawin ko siyang basehan sa mga susunod pang dystopian na babasahin ko.
PS
Magandang order ng pag babasa ng Shatter Me series
SHATTER ME tapos DESTROY ME tapos UNRAVEL ME tapos FRACTURE ME (tbh di ko na to binasa haha) tapos IGNITE ME
Sana maenjoy niyo to gaya ng pagkaenjoy ko.
RATING: