Showing posts with label BOOK REVIEW. Show all posts
Showing posts with label BOOK REVIEW. Show all posts

Saturday, April 18, 2015

REVIEW: One Night, One Lie by Jonaxx

Entry #7

Another Jonaxx story that stirred the sleeping butterflies in my stomach. I gave me different kinds of emotion. Medyo nakarelate ako kay Avon specially nung mga unang chapters kasi may pagkapareho yung situation namin kaya lahat ng pwede kong sabihin sa taong iyon ay nagawa ko kay Guillermo. I've never read a father this insensitive in my life. Para bang wala nang naririnig kundi Ariella. Ito din ang unang pag kakataon na nawish ko na sana mamatay na lang ang protagonist kasi sorang sakit. The Betrayal nga dapat ang naging title nito sa dami ng betrayal na nareceive ni Avon from people she cared about. Never akong naawa sa lukaret na si Arielle, magagalit talaga Prof ko nito, Psych patients should be understood at kailangang intintindihin. Intindihin her face, nakakabanas yung mga pinagagawa niya. Siya na nga nkikisampid siya pang epal. 

The love story, aww to heartwarming. Gusto ko talaga kung paano kamahal ni Brandon si Avon. Dami  ng iniyak ko.

RATING:


Good Lips slays!

REVIEW: She Will Be Loved by xxakanexx

Entry #6



Laide's story has always buffled me mula ng binasa ko yung mga stories ni Hera at Yza. I really want to know ano ba talagang nangyari sa kanya at iba ang perspective niya sa mga bagay-bagay.


Si Laide ang pinaka prinsesa ng Consunji family. Everything is for her liking. Being Lukas and Sancho Consunji's first baby she has to have it all. Nung nangyari ang akaidente, losing her memories and all makes sense. Then came this married man Julian. Laide being pretty and attractive in whatever way, blame the Consunji genes, she captures this married man's eyes. And then the affair. I can rationalise the whole affair kasi Julian is not really happy with his wife, I forgot her name. Pero I still believe that a married man should not cheat, pinasok niya yan, wag mag running around the bushes.


I love the plot twist in the whole story. I love how they fought for their love and such. Gusto ko rin kung pano binigyan ng magandang justice ang cheating thingy ni Julian. Yung pag bibigay ng time nila sa isa't isa kasi they believe that time only strengthens love between two people trully in love. 


4/5 lang binigay ko kasi I really don't like the cheating in marriage though this story gives justice to the whole thing.

RATING:


I'm ready for the third generation.

Friday, October 31, 2014

Ang Pagbuklat ng Bawat Pahina

November 1, 2014

Entry #1

Aroun 8 ng umaga ng sinimulan kong gawin ang blog na ito. Nagbabasa ako ng libro ni Laini Taylor na Dreams of Gods and Monsters at nakikinig kay Ed Sheeran. Napaisip akong simulan ang isang bagay na gusto ko na talagang gawin dati pa. Kaya eto pinipilit na gawin ito.

So eto ang una kong entry sa blog na to. Ang pag papakilala sa blog ko.

Ang blog kong ito ay biglaan lamang at hindi ko rin alam kung maitutuloy ko ba talaga pero eto na nga... I'm planning to use this blog to make reviews of books I've read. Hindi ako yung bookworm talaga sadyang nakakhiligan ko lang magbasa at yun nga pinipilit kong simulan.

Pag popost ako ng reviews sa mga libro na mula sa Wattpad at mga libro na binabasa kong Ingles. Well, basically tagalog ang gagamitin ko dahil mahina talaga ako sa English.

Yun na lamang sige na.