Friday, October 31, 2014

REVIEW: Chase and Hearts by Jonaxx

November 1, 2014

Entry #2




Naririnig ko ang lakas ng tibok ng puso ko habang pinapakinggan ang kanta ni Ed Sheeran at inisip ang mga salitang maari kong isulat tungkol sa nobelang ito.


Chase and Hearts -- ito ay isa sa mga inuulit ulit kong basahing nobela sa Wattpad. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko na itong nabasa ngunit hindi ko parin talagang maikakaila na andun parin ang 'feels'na naramdaman ko ng una ko itong basahn. Si Jonaxx, ang na sulat ng nobela, ay ang pinaka iniidolo kong writer sa Wattpad. Halos lahat ng mga isinusulat niya consistent at hindi yung nakakaumay. Isa na roon ay itong Chase and Hearts.


Ang kwento ay na simula sa isang anak mayaman na si Eliana na pilit na magbago mamuhay ng malayo sa kinagisnan niya. Si Eliana, 19, ay anak ang kaisa-isang anak ng isang mayaman na negosyante. Lumaki si Eliana na malayo sa mga tao at ang taong mga kakilala lamang niya ay ang kanya matalik na kaibigan at mga pinsan. Nang mag college na ito ay kinailangan na itong pakwalan at paranasin ng buhay na pinapaligiran ng mga tao. Sa pagpapakawalang ito ay nakilala niya si Yuan.


Si Chase Martin Castillo (the feels, bias ko bias ko, lagot ako kay  Noah nito), 27-29, ay isang anak ding mayaman na may ari ng isang Pharmaceutical Company saCebu. Isang responsable at makisig na negosyante. Lumak siya na pinag hihirapan niya lahat ng nakukuha niya kaya sinisipagan niiya lahat ng ginagawa niya. Matalino ito at may istura kaya di malayong may magkagusto rito. Isa siyang lalaking kilala ng lahat ngunit meron bagay na di naman na talaga alam ng iba tungkol sa kanya.


Dahil sa isang pagkakataon ay nagkatagpo si Eliana at Chase kung saan nakapag trabaho  si Eliana sa kompanya nina Chase at dun nag simula ang pag hahabol sa tinatawag nilang happy ever after.


Sinimulan ko siya sa pa pag papakilala sa dalawang main characters at hindi ko na lamang pinahaba pa at bakasabihin niyo naman nag sspoil na ako. Iniiwasan kong mang spoil hu, ako kasi ayaw ko rin ng spoilers.


Ngayon pag usapan natin ang naging biyahe ko sa pag babasa nito, ito ang totoong cute na story. Meron kasi jang mga story nasobrang pacute na nakakairita. Hindi ko alam kung 'cute' yung gustong concept ni Ate J dito sa story na po pero sobrang nacucute-an ako dito. Yun bang habang binabasa mo ito ay napapansin mo na lang na hanggang tenga na lang ang ngiti mo? Yun bang napapahawak ka na lang sa tiyan mo dahil parang may nag sasaing ng bigas sa loob? Walang masyadong spg dito sa story na to as a matter of fact ang tanging naalala kong scene na sobrang naging touchy yung dalawa eh iyong naligo sila sa pool at (Oh my Gee the feels kinikilig ako while thinking about it) kinocover ni Chase ang nakabikining si Eliana gamit ang 'bodey' niya? Seriously kinikilig ako habang sinusulat to.


Yung naging themesong din nila na nag papaalala sakin ng story nila ay eto:



Nakalimutan ko kung saan naka categorize itong story na to sa Wattpad, Romance ba o Teen Fiction pero feeling ko Teen Fiction.



So all in all itong story na to ay pure cuteness and feels that you can never get off of you kahit ilang beses mo na siyang basahin. Hindi siya nakakasawa at nakakaumay kaya mahirap mo talagang hindi ituloy ituloy ang pagbabasa nito.

RATING:



Sa mga hindi pa nakakapagbasa nito ililink ko yung Chase and Hearts, enjoy the feels.




Ang Pagbuklat ng Bawat Pahina

November 1, 2014

Entry #1

Aroun 8 ng umaga ng sinimulan kong gawin ang blog na ito. Nagbabasa ako ng libro ni Laini Taylor na Dreams of Gods and Monsters at nakikinig kay Ed Sheeran. Napaisip akong simulan ang isang bagay na gusto ko na talagang gawin dati pa. Kaya eto pinipilit na gawin ito.

So eto ang una kong entry sa blog na to. Ang pag papakilala sa blog ko.

Ang blog kong ito ay biglaan lamang at hindi ko rin alam kung maitutuloy ko ba talaga pero eto na nga... I'm planning to use this blog to make reviews of books I've read. Hindi ako yung bookworm talaga sadyang nakakhiligan ko lang magbasa at yun nga pinipilit kong simulan.

Pag popost ako ng reviews sa mga libro na mula sa Wattpad at mga libro na binabasa kong Ingles. Well, basically tagalog ang gagamitin ko dahil mahina talaga ako sa English.

Yun na lamang sige na.